Pages

Monday, July 4, 2011

Patawang Pinoy

KATALINUHAN NG KABABAIHAN


LABING-ISANG tao ang nakasabit sa lubid na nakalawit sa isang helicopter – sampu (10) dito ay mga lalake, isa ay babae.


Nagkaisa sila na kailangan isa sa kanila ay magsakripisyo , at kung hindi ay mapapatid ang lubid at lahat sila ay mamamatay.


Halos walang gustong mag-sakripisyo, nang biglang magsalita ang babae ng isang makabagbag-damdamin na, “Ako na lamang ang magsakripisyo para sa ikalilligtas ng lahat, dahil sanay naman kaming mga babae na i-sakripisyo ang mga bagay para sa aming mga anak, asawa nang walang hinihintay na kapalit.”


Nang matapos siyang magsalita, NAGPALAKPAKAN ANG MGA LALAKE! araykupo, patay kang bata ka!


***************************************************


ISANG babae at isang lalake ang nasangkot sa isang matinding aksidente. Ang mga sasakyan nila ay talagang nawasak, pero ang himala, hindi man sila grabeng nasaktan. Nagtamo lang ng kaunting gasgas ang dalawa. Nang nakagapang na palabas sa kanyang sasakyan, nagsalita ang babae, “Naku, tingnan mo ang nangyari sa ating mga sasakyan, halos hindi na makilala. Buti na lang at himalang nakaligtas tayo. Ito yata ay sign mula sa itaas na magkakilala tayo sa ganitong paraan, maging mag-kaibigan at malay mo maging tayo.”


Medyo na-flattered ang lalake, “Oo nga, sang-ayon ako sa sinabi mo na sign nga ito sa itaas, at tingnan mo, ito pa ang isang himala. Nawasak ang sasakyan natin pareho pero ang bote ng alak na ito ay hindi man lang nabasag!” “Sigurado ako ito ay para i-celebrate ang ating magandang kapalaran”, dagdag pa ng babae at sabay abot ng bote ng alak sa lalake. Binuksan ang bote at tinungga ang kalahating laman nito at ibinalik ang bote kay babae. Kinuha ni babae ang bote, isinara at ibinalik ang bote sa lalake. “Hindi ka ba iinom?” tanong ng lalake. “HINDI NA, ANTAYIN NA LANG NATIN ANG MGA PULIS!!!,”, sagot ng babae. Waaahhhh,, wais talaga!!!


***************************************************


PAPAALIS sa bahay ang 80-gulang na si Lolo Kulas.
“Saan ba ang punta mo?” tanong ng kanyang asawa.
“Sa doktor,” sagot niya.
“At Bakit? Ikaw ba ay may sakit?”
“Wala,” sagot ng matandang lalaki. “Pupunta ako roon at magpapareseta ng sinasabi nilang Viagra Pills.”
Biglang tumayo si Lola at isinuot din ang kanyang sweater. At nagtaka si Lolo at sabi”y, “Eh, s’an din ang punta mo, ha!?”
“Ay naku, pupunta rin ako sa doctor.” wika ni Lola
“Aba, ay bakit?” tanong uli ni Lolo.
“Aba, eh, kung uumpisahan mo namang gamitin ang KINAKALAWANG MONG ANO eh, MAGPAPA-ANTI-TETANUS SHOT AKO!” Susmaryosep!!!


***************************************************


ISANG GABI, nagpa-party ang isang amo. Lahat ng pagkain ay niluto at inihanda ni Inday. Nang mag-serve ng salad sa mga bisita, si Inday ay hubo’t hubad.
“Bakit wala kang suot?” usisa ng amo.
Paliwanag ni Inday: “Kasi po sabi sa cookbook….
SERVE WITHOUT DRESSING!!” ngek!!


***************************************************


BOSS asks sexy secretary to a dinner after overtime...
Boss : Are you free tonight?
Sexy secretary: Sir, ha...
huwag naman, FREE..
O,sige,bibigyan na lang kita ng DISCOUNT! ngeee!


***************************************************


A YOUNG WIFE asking for advice to have a baby.
Pastor : Keep on trying.
Iglesia : Try another doctor.
Born Again : Try special diet.
Rabbi : Try Yoga.
Priest : Let me try!!! baka sakali!!! yeyeyeh!


***************************************************




LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...