Pages

Sunday, March 18, 2007

Ang Pinagmulan ng Palay

Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Sila ay maligaya noon.

Nawala na ang mba hayop sa gubat at iilan na ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot.

Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y nagpahinga nang dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay enkantada. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang. Ang mga mangangaso ay kinumbida nag mga enkantada.



Sila'y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami palang enkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan at nagsayaw. Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punung-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng ganitong pagkain. Natapos ang kainan at ang mga lalaki ay naging bata. Sila ay lumakas. Sila'y pinainom ng puting alak at naging matalino. Gusto nang umuwi ng mga mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, "Kayo'y bibigyan ko ng butil. Ito ay itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Anihin ninyo ang bunga." Ang mga butil na inani ay bayuhin. Linisin. Ang butil ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umiwi nakayo."

Sumunod sa biling ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin (rice) sa daigdig.




No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...