Pages

Monday, March 31, 2014

Pharrell Williams -- Happy, YPDR Typhoon Haiyan

The people of Bantayan Island are happy but they still need your help. Support Young Pioneer Disaster Response in building storm-strengthened shelters, rehabilitating schools, repairing water and sanitation facilities, and providing hygiene education, community outreach, joint medical missions and emergency response programs.




Tuesday, March 18, 2014

Ancient chicken DNA reveals Philippines home to Polynesians

Sa isang naunang post ay nabanggit namin ang pagkakalapit ng ating wika sa mga wika ng Polynesians. Ilang halimbawa: mata (mata), langit (te rangi), isa (ta, tasi), dalawa (ua, lua, rua), tatlo (tolu, toi), ina (tina, sina, tinaa), ama (tama, tamaa), anay (ane), kuto (utu, kutu), bato (vatu, fatu, kohatu), isda (ika), pain (paa, fish lure), inum (inu), babae (wahine), apoy (ahi).

Ngayon po ay naglabas ang isang pamantasan sa Australia ng findings na ang mga manok ng Polynesians ay nagmula pala sa Pilipinas, dala-dala ng mga ninuno natin. The study used DNA/genetic signatures to trace the dispersal of chickens, one of the animals brought along by ancient people as they migrated island to island in this part of the world.

Aalamin po namin kung may adobo rin sa Polynesian islands...

http://www.philstar.com/news-feature/2014/03/18/1302318/ancient-chicken-dna-reveals-philippines-home-polynesians


Thursday, March 13, 2014

Filipino

Marahil napansin na po ninyo dito sa Singapore na maraming salita sa Malaysia at Indonesia na pareho sa mga salita natin sa Pilipinas, tulad ng anak (anak), hangin (angin), kambing (kambing), mata (mata), sayang (sayang), dating (datang), bato (batu), sakit (penyakit), takot (takut). Mayroon ding magkahawig, tulad ng pagbilang, bigas (beras), inom (minum), apoy (api), isda (ikan), daan (jalan), kuripot (kedekut), daliri (jari), kahoy (kayu), nguya (menguyah), dila (lidah) at iba pa. Mayroon magkalapit ang ibig sabihin, tulad ng halimaw (harimau o tigre), kamay (tangan), hita (paha), at gatas (...alam na po ninyo).

Ngunit magugulat po kayo na kahit sa Polynesian islands ay maraming salita na halos pareho sa atin: langit (te rangi), isda (ika), mata (mata), inum (inu), babae (wahine), apoy (ahi), bato (kohatu), luha (haea). Sa katunayan, ang word order ng Tagalog at Maori (isa sa mga Polynesian languages) ay iisa: verb-subject-object, halimbawa ay "ibibigay ko ito."

Ito ay nangangahulugan na ang mga ninuno natin ay malayo ang nararating, gamit ang kanilang sasakyang pandagat. Bago pa dumating ang mga taga-Europa, malawak na ang pagbaybay ng mga Malay at Austronesian.

Hindi po ninyo siguro alam na umabot sila ng Africa, kung saan maraming lugar na tumutugtog din ng kulintang (xylophone), pati na sa Madagascar (ang isla malapit sa Africa na pinasikat ng isang animated film). Sa kabilang direksyon naman, papuntang silangan/east, nakarating sila sa Easter Island, lagpas pa ng Polynesian Islands at malapit na sa Chile (na kilala sa malalaking statues).

Ang kultura ng mga Malay, na isang maritime civilization, ay angkop sa maraming isla sa ating panig ng daigdig. At bago pa napadpad o naligaw dito sina Magellan, malawak na ang pakikipag-ugnayan natin sa iba't ibang kultura, maging mga taong galing sa sinaunang Tsina, o sa mga Indian, Arabo, at Persian.

Hindi rin po nakakapagtaka na ang mga Pilipino ngayon ay sanay na sanay sa ibang bansa, at madaling mag-adjust kahit saang panig ng daigdig. Hindi po sagabal ang dagat sa atin; ito po para sa ating mga ninuno ay daan, at daanan.




LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...