Pages

Wednesday, November 2, 2011

Bugtungan Na!





Score:0

Bugtong Answer

1.) Kung kailan mo pinatay,saka pa
        humaba ang buhay
2.) Baboy ko sa pulo,balahibo ay pako
3.) Isang butil ng palay,sakot ang buong buhay
4.) Ako ay may kaibigan,kasama ko kahit saan
5.) Ayan na si Kaka, bubuka-bukaka
6.) Naabot na ang kamay, ipinagawa pa sa tulay
7.) Malaking supot ni Jacob,
      kung sisidlan ay pataob
8.) Maliit pa si kumare,marunong ng humuni
9.) Sa araw ay bubong,sa gabi ay dahon
10.) Sa maling kalabit,may buhay na kapalit
11.) Nagtago si Pedro,Labas ang ulo
12.) Hindi pari,hindi hari damit ay sari-sari
13.) Baka ko sa Maynila,hanggang dito,
       dinig ang unga
14.) Nagdaan si Kabo Negro,
       namatay na lahat ng tao
15.) Sa liwanag ay hindi mo makita,
        sa madilim ay maliwanag sila
16.) Palda ni Sta. Maria,ang kulay ay iba-iba
17.) Kaisa-isang plato,kita sa buong mundo
18.) Nagsaing si Hudas,
        kinuha ang tubig itinapon ang bigas
19.) Bahay ni Tinyente nag-iisa ang poste
20.) Ang anak ay naka-upo na,
        ang ina'y gumagapang pa
21.) Yumuko man ang reyna,
        di malaglag ang korona
22.) May ulo,walang tiyan may leeg
        walang baywang
23.) Manok kong pula,inutusan ko nang
        umaga,nang umuwi'y gabi na
24.) Nakatalikod na ang prinsesa,
        ang mukha'y nakaharap pa
25.) Maliit na tela sa kalawakan,
         inaawitan ng mga mamamayan
26.) Baong kinayuran, Lama'y kayamanan
27.) Mataas kung nakaupo,
        mababa kung nakatayo
28.) Walang itak, walang kampit,
        gumagawa ng bahay na ipit.
29.) Hugis puso, kulay ginto,
        mabango kung amuyin, masarap kung kanin
30.) Ito ay napagsasalaminan,
        huwag lang kayong maggagalawan
31.) May kamay, walang paa.
        May mukha, walang mata
32.) Ang paa'y apat, hindi makalakad
33.) Kapag nag-iisa ay tamad,
        kapag marami ay masipag
34.) Dalawang batong itim,
        malayo ang nararating
35.) Bulak na bibitin-bitin, di puwedeng balutin
36.) Sa tingin mo ay mainit,
        ummuusok sa paligid. Pero hipuin, malamig
37.) Isang panyong parisukat,
        kung buksa'y nakakausap
38.) May dila nga ngunit ayaw
        namang magsalita. Kambal sila't
         laging magkasama ang isa't isa
39.) Wala sa langit, wala sa lupa,
         kung lumakad ay patihaya
40.) Mga kaloobang pinaghalu-halo,
         ng niluto sa init nagkasundo




No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...